Shawn Bradley
-- Advertisements --

Tuluyan ng mapaparalisa si NBA legend Shawn Bradley.

Ito ay matapos ang matinding pinsala na natamo niya ng maaksidente noong Enero sa Utah.

Ayon sa Dallas Mavericks, na labis na natamaan ang kaniyang spinal cord na nagdulot sa kaniyang pagkaparalisa.

Magugunitang lulan ng kaniyang bisikleta ang 48-anyos na 7’6″ malapit sa bahay nito sa St. George ng ito ay banggain sa likod ng isang sasakyan noong Enero 20, 2021.