-- Advertisements --

Handa nang maglaro ang Gilas Pilipinas laban sa Macau Black Bears sa July 28 para magpraktis bago sumali sa FIBA Asia Cup.

Ang laban na ito rin ang huling laro nila bago lumipad papuntang Saudi Arabia.

Nabatid na malakas ang Black Bears at may halo ng mga local, half, at dayuhang manlalaro kaya magandang ensayo ito para sa Gilas.

Sabi ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na importante ang tune-up game para mas handa ang team.

Sanay na ang Black Bears sa ganitong laban, kung saan tinalo pa nila ang China noong nakaraan.

Kumpleto ang lineup ng Gilas, pero wala pa si Kai Sotto dahil nagpapagaling pa siya sa kanyang natamong injury.