TUGUEGARAO CITY – Posibleng dahil sa kawalan ng komunikasyon sa live-in-partner na nagta-trabaho sa ibang bansa kung kaya nagpakamatay ang 31-anyos na magsasaka sa pamamagitan ng pagbitin sa sarili sa loob ng kanyang kwarto sa Gattaran, Cagayan.

Sinabi ni PSMSGT Edgar Mandac ng PNP-Gattaran na natagpuan ng isang kapit-bahay ang bangkay ng hindi na pinangalanang biktima na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang nylone rope.

Nabatid na tatlong linggo na umanong walang komunikasyon ang biktima sa kanyang live-in-partner mula nang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa cellphone sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Tumanggi na ang pamilya nito na ipa-autopsy ang bangkay sa paniwalang walang foul play sa insidente.