-- Advertisements --

Umabot na sa 40,000 accomplished ballots mula sa ginawang local absentee voting ang nakarating na sa Commission on Elections (Comelec).

Ang mga ito ay dinala muna sa tanggapan ng Bureau of Treasury na nasa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila kung saan sila itatabi muna.

Sabay-sabay kasi silang bibilangin sa gabi ng Mayo 9.

Batay sa listahan ng Comelec, wala pa silang natanggap na accomplished ballots mula sa mga bumoto sa Philippine Navy.

Habang ang mga balota mula naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Foreign Affairs (DFA), Public Attorneys Office (PAO) at National Power Corporation ay mababa pa rin ang bilang na natanggap ng poll body.

Para sa LAV, may 84,357 ang naaprubahang makaboto.Ang mga bumoto sa ilalim ng LAV ay ang mga may duty o magsisilbi sa araw ng halalan.