-- Advertisements --

Lalo pang dumami ang bilang ng mga port management office na nakapagtala ng trip cancellations ngayong araw dahil sa masungit na panahon dala ng bagyong Tino.

Batay sa report mula sa Philippine Ports Authority, umabot na sa 17 Port Management Office (PMO) ang nakapagtala ng trip cancellations, kasunod ng no sail policy na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) at abiso ng mga shipping companies.

Kabilang sa mga biayheng kinansela ay sa mga sumusunod:

PMO Batangas
PMO Zamboanga Del Norte/Dapitan
PMO Misamis Oriental
PMO Palawan
PMO Marinduque/Quezon
PMO Panay/Guimaras
PMO Agusan
PMO NCR-North
PMO Bohol
PMO Eastern Leyte-Samar
PMO Western Leyte-Biliran
PMO Masbate
PMO Surigao
PMO Lanao del Norte/Iligan
PMO Bicol
PMO Misamis Oriental/CDO
PMO Negros Occidental-Bacolod

Paalala ng PPA sa mga manlalakbay, makipag-ugnayan muna sa mga shipping lines bago magtungo sa mga pantalan para bumiyahe, dahil nananatili ang no sail policy ng PCG.