-- Advertisements --

Binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga sundalong nakatalaga malapit sa bayan ng Pokrovsk.

Ang nasabing lugar ay siyang may matinding labanan nila ng Russia sa kasalukuyan.

Nakausaap nito ang mga sundalo sa Dobropillya sector may layong 20 kilometers ng Prokrovsk sa Donetsk Region.

Isinasagawa nila ang matinding pressure sa kanilang sundalo sa Dobropillya front para mapalayas ang mga sundalo ng Russia.

Halos isang taon na ng pinipilit ng Russia na sakupin ang Pokrovsk ang stratehiyong frontline na bayan at logistic hub ng Ukraine.

Sakaling masakop ng Russia ang Pokrovsk ay magkakaroon ng access ang Russia sa buong Donetsk region kabilang ang mga bayan ng Kramatorsk, Slovyansk, Kostyantynivka at Druzhkivka.