-- Advertisements --
Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang gabinete na bisitahin at alamin ang lagay ng mga apektado ng bagyong Tino.
Ayon kay Communication Undersecretary Claire Castro , na bukod sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nanguna sa pagbibigay ng food packs ay tumugon na rin ang Department of Energy (DOE) sa mga nawalan ng suplay ng kuryente.
Nandiyan na rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na linisn ang mga daan.
Dagdag pa nito na tinitiyak ng pamahalaan na mabilis ang pagkilos ng mga ahensiya para sa mabilis na pagbango ng nasabing lugar.
















