-- Advertisements --
Pinapakalma ni Palace press officer Claire Castro ang publiko matapos na lumabas ang usapin na siya ang susunod na kalihim ng Department of Justice.
Ayon kay Castro na hindi siya interesado at hindi rin ito nag-apply para sa posisyon.
Pinasalamatan niya si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na nararapat si Castro sa nasabing posisyon.
Mensahe naman ni Castro sa mga kritiko ay maari na silang mag-relaks dahil hindi ito interesado sa puwesto.
Si De Lima ay naging justice secretary noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III kung saan bukod kay Castro ay sinabi niyang nararapat din sa puwesto si Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
















