-- Advertisements --
Umakyat na sa anim na katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental nitong Oktubre 10.
Base sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD)na mayroong tatlo ang nasawi sa Mati City, Davao Oriental; dalawa naman sa Pantukan, Davao de Oro.
Isang naitala sa Davao City kung saan ang 80-anyos na lalaki ay natamaan ng gumuhong pader sa Barangay Tomas Monteverde.
Patuloy ang ginagawang monitoring OCD sa nasabing lugar dahil sa mga nararanasang aftershocks.
Sinabi ni Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) chief Dr. Teresito Bacolcol na mayroong anim na aktibong trenches at ang Philippine trench ang naging sanhi ng nasabing lindol.