-- Advertisements --

Aabot na sa 87 katao ang nasawi sa pinaigting na operasyon ng US sa Carribbean.

Mula ng ilunsad ang “Operation Southern Spear” noong Setyembre ay nasa 23 mga sasakyang pandagat na nagdadala ng droga sa Carribean at eastern Pacific ang pinalubog ng airstrike ng US.

Karamihan sa 23 na magkakahiwalay na airstrikes ng US ay isinagawa sa karagatang bahagi ng Venezuela at Colombia.

Itinuturing ng US na ang mga sakay ng mga pinalubog nilang bangka ay “narco-terrorists”.

Magugunitang naglagay na ang US ng kanilang warship sa lugar para tuluyang mabantayan ang pagkalat ng iligal na droga sa lugar.