-- Advertisements --

Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang 12 pulis na siyang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, natanggap na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGEn. Nicolas Torre III ang naturang resolusyon kung saan nakasaad din dito na ito ay ‘effective immidiately’.

Ang resolusyon ay kaugnay pa rin sa inihaing mosyon ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan o alyas ‘Totoy’ laban sa mga naturang pulis na nakitaan umano ng probable cause dahil sa ‘strong evidence of guilt’.

Kabilang naman sa mga respondents nito ay sina PLtCol. Ryan Jay Orapa, PMaj. Mark Philip Almedilla, PCol. Jacinto Malinao Jr. at iba pang mga pulis.

Nakasaad din sa resolusyon na nakitaan ng komisyon ng ‘substantial legal and factual basis’ ang kanilang naging pagpanig at pagsangayon sa inihaing mosyon ni Patidongan.

Samantala, bagamat implemantado na ang resolusyon ay nilinaw ni Calinisan na ang pagllabas nito ay hindi nangangahulugang mayroong kinalam o may sala ang mga sangkot na pulis.

Hindi rin aniya ito isang parusa at binigyang diin na ito ay bahagi lmang ng proseso sa imbestigasyon upang masiguro na hindi maiimpluwensyahan ang ongoing investigastion ng komisyon kaugnay sa kaso ng missing sabungeros.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang kapatid ni Patidongan na si Elakim at Jose Patidongan kung saan matatandaan na kinumpirma ni Elakim na handa siyang tumestigo at isiwalat ang kaniyang mga nalalaman kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.