Siniguro ng National Power Corporation (NAPOCOR) na walang mga ‘brownout’ sa mga service area nito sa kabila ng tuloy-tuloy na oil crisis.
Sa pagdalo ng NAPOCOR sa pagdinig na isinagawa ng Legislative Energy Action Development Council, siniguro ng government-owned and controlled corporation na nananatiling matatag ang power supply ng bansa.
Gayonpaman, aminado si NAPOCOR President Jericho Jonas Nograles na sa kabila ng maayos at matatag na power sector ay apektado ang operasyon ng mga power facilities sa bansa.
Dahil dito, kailangan aniya ng episyenteng paggamit sa resources ng bansa, lalo at hindi pa malinaw aniya kung hanggang kailan magtatagal ang giyera sa Middle East.
Tiniyak din ng ahensiya ang commitment nito para masiguro ang tuloy-tuloy na power service para sa kapakanan ng mga konsyumer. (report by Bombo Jai)
















