-- Advertisements --
IMG 20200529 175650

Ipinagmalaki ngayon ng Supreme Court (SC) sa tatlong bansang miyembro ng ASEAN ang isinasagawa sa mga korte sa bansa na serye ng videoconferencing na umabot na sa 3,201.

Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, isinagawa kanina ang kauna-unahang online meeting ng Korte Suprema kasama sina Sundaresh Menon, Chief Justice ng Singapore; Judge Andriani Nurdin, Vice President ng High Court of Jakarta sa Indonesia at Hon. Tan Sri Azahar Mohamed, Chief Judge ng Malaya, Malaysia. 

Ayon kay Marquez na kasama rin sa videocon, tinalakay daw kung paano pinaiiral ang hustisya at ang court operation sa gitna ng COVID-19 pandemic na may temang “Justice in times of COVID-19.”

Dito sa Pilipinas, dahil pa rin sa matagumpay na videocon, aabot na sa 22,522 na mga persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya sa pamamagitan ng videoconferencing hearings.

Ibinida ni Justice Marquez ang pilot-tested virtual hearings ng mga korte sa bansa na naging daan sa decongestion ng mga kulungan sa bansa kahit pa mayroong pandemya.

 

PDLs released

Sinabi pa ni Marquez, bago pa dumating ang COVID pandemic, isinagawa na noong Setyembre 2019 ang pilot testing ng videocon sa korte sa Davao City.

Ginamit umano ang naturang teknolohiya para sa pagdinig ng mga kaso ng mga PDLs na siya ring ginagamit ngayong umiiral ang community quarantine. 

FB IMG 1587525076150
nbp

Maalalang noong Marso nang mag-isyu si Chief Justice Diosdado Peralta ng Administrative Circular para sa pagbabawas ng operasyon ng mahigit sa 2,000 korte sa buong bansa bilang pag-iingat sa covid virus at nagtalaga na lamang ng mga skeleton staff para patuloy na makapag-operate ang mga korte. 

Dito naman pumasok ang teknolohiya at nag-isyu ang SC ng 365 Judiciary Accounts na siyang ginagamit ngayon para sa pagtanggap ng electronic pleadings at video conference hearings.