-- Advertisements --
Sinuportahan ng National Movement for Free Elections (Namfrel) ang naging pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagtanggi nilang nabiktima ng hacking ang database nila. Sinabi ni NAMFREL chairman Gus Lagman na may mga nakausap siyang mga opisyal ng Comelec ukol sa nasabing alegasyon.
Dagdag pa nito na matapos na lumabas ang nasabing balita ay agad nitong tinawagan ang kakilala niya sa COMELEC at dito kinumpirma na walang anumang nangyaring pagnanakaw ng kanilang database.
Kahit aniya ito ay na-hack ay mayroon umano itong back-up.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa COMELEC para sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo.