-- Advertisements --

Ibinahagi ng Department of Justice na mayroon bagong dalawang (2) bungo ang narekober ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng Taal lake.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, nakarekober muli ng mga panibagong ‘human remains’ ang PCG mula sa lawa.

Ngunit aniya’y isasailalim pa ang mga ito sa mga masusing pagsusuri at DNA testing.

‘There were two (2) human skulls that were found. Kaya we can at least say that there are two (2) human remains that were found. It could be more,” ani ASec. Mico Clavano ng DOJ.

Layon kasi rito matukoy kung ang mga nakuhang mga labi ay tutugma sa isa sa mga nawawalang sabungero.

Sakali kasing tumugma ang DNA samples sa kaanak ng mga ito, posible itong gamitin bilang ebidensya sa kaso.

Habang kanya pang ibinahagi na hindi pa rin tumitigil ang ‘search and retrieval operations’ sa Taal lake kaugnay sa ‘missing sabungeros case’.