-- Advertisements --

Mahalaga ang papel ng Amerika at ng iba pang kaalyadong bansa ng Pilipinas para tugunan ang mga hamon sa seguridad at maging sa pagsusulong sa ekonomiya. 

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdalo nito sa Manila Strategy Forum na pinangunahan ng Center for International Strategies.

Giit ng Pangulo malayo na ang narating ng alyansa ng Pilipinas at Amerika lalo at may mga trilateral ,minilateral, multilateral engagements na isinasagawa para tugunan ang ibat ibang mga hamon.

Sinabi ng Pangulo napaka importante ng presensiya ng US sa Indo-Pacific upang  mapanatili ang free, open, at mapayapang rehiyon.

Binigyang-diin ng Pangulo itinataguyod din ng Philippines-US alliance ang rule of law.

Una ng binigyang diin ni Pangulong Marcos na handa ang Pilipinas makipag tulungan sa mga neighboring countries lalo na ang China sa kondisyon na respetuhin ang sovereign rights ng bansa at ang hurisdiksyon nito dahil ito ay non negotiable.