Ipinag-uutos na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa mga social media platforms at maging sa online service providers ang pagpapatanggal sa mga ‘online contents’ na may epektong mapanira.
Kung saan, naglabas ng direktiba ang kasalukuyang Acting Executive Director ng naturang ahensiya na si Atty. Renato ‘Aboy’ Paraiso upang ito’y maisakatuparan.
Layon sa naturang kautusan na maipatanggal o maipa-take down sa mga ito ang mga ‘online contents’ katulad ng online scams, illegal online gambling, fake news, at deep fakes.
Dito binigyang din ng naturang acting executive director, na walang lugar umano ang mga ganitong uri ng mapanirang ‘contents’ sa social media o online platforms.
Lalo pa’t aniya’y dito kadalasan nakababad ang mga kabataan kaya’t nais na gawing ligtas ito para sa kanila.
Kaya’t kasunod nito’y nakapaloob sa kanilang inisyung opisyal na pahayag, ang di’ susunod dito ay ituturing bilang pagtanggi na makipagtulungan sa pamahalaan.