-- Advertisements --

Hiniling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na payagan itong makabalik sa Pilipinas kapag naaprubahan ang interim release nila sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, na patuloy ang paghina ng kalusugan ng dating pangulo na naapektuhan ang abilidad nito para malalim nitong intindihin ang mga ebidensiya.

Dagdag pa ni Kaufman na payagan ng kasalukuyang administrasyon ang pagbabalik sa bansa ng dating pangulo para sa patas na pagdinig hanggang sa pagtatapos ng proceedings.

Magugunitang mula pa noong Marso ay nasa kustodiya na ng ICC ang 80-anyos na dating pangulo at nitong Agosto ay humirit sila ng interim release sa hindi na pinangalanang bansa.

Nitong Setyembre 8 ng ianunsiyo ng international tribunal na ipinagpaliban ang confirmation of charges hearing sa war against humanity ng dating pangulo dahil sa hindi malusog para sa trial ang dating pangulo.

Nilinaw ni Kaufman, na ang suportado ng mga medical experts kabilang ang mga hindi napili ng mga depensa ang pahayag na hindi maganda ang kondisyon ng dating pangulo.