Umakyat ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo ng kasalukuyang taon.
Sa isang pulong balitaan ngayong Miyerkules, Setyembre 10, iniulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief USec. Dennis Mapa na mula sa 1.95 million noong Hunyo, tumaas sa 2.59 million noong Hulyo ang mga indibdiwal na edad 15 anyos pataas na walang trabaho.
Ito ay nagpapakita ng pagtaas ng unemployment rate noong Hulyo sa 5.3% mula sa 3.7% noong Hunyo.
Nangangahulugan ito na 53 mula sa 1,000 indibidwal ang walang trabaho o kabuhayan sa nasabing panahon.
Ipinaliwanag ng PSA chief na ilan sa dahilan ng pagbaba ng partisipasyon sa labor force o pagbaba ng mayroong trabaho ay dahil sa pagtama ng mga bagyo sa bansa noong buwan ng Hulyo.
Partikular na naapektuhan dito ang sektor ng agrikultura, construction, fishing at iba pa.
Samantala, tumaas naman ang year-on-year unemployment dahil sa schooling, household family duties, nagaantay sa kanilang inaplayang trabaho at sa epekto na rin ng masamang panahon.