Lumobo pa sa 3,031,364 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Maliban dito, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa naturang sakit.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 141,939,182 cases, kung saan 18,330,765 (99.4%) sa mga ito ay nasa mild condition, habang 107,174 (0.6%) naman ang nasa serious o critical condition.

Habang ang mga naka-recover ay 120,469,879, matapos ang gamutan at quarantine procedure.