BUTUAN CITY – Hihilingin sa korte ng pulisya sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte upang ilipat na sa Butuan City Jail ang pagkostudiya kay dating Vice Mayor Ronald ‘Pusoy Timogan na nananatili pang naka-hospital arrest.

Sa eksklusibong panayam kay PMajor Edgar Allan Serquiña – hepe ng Nasipit Municipal Police Station, inihayag nitong kanila nang itu-turn over ang arrest warrant sa issuing court at hihilingin nilang ang taga-city jail na ang magbantay nito.

Ito ay dahil patuloy pa ring minomonitor ng doktor ang kondisyon ng pangangatawan ni Timogan matapos tumaas ang presyon ng dugo nito nang kanilang hulihin nitong nakaraang Sabado ng gabi sa kanyang tahanan sa Brgy. 3.

Sa ngayo’y inaantay pa ng attending physician ni Timogan ang resulta sa kanyang two-dimensional echocardiography o 2D echo upang malaman ang kondisyon ng kanyang puso.