-- Advertisements --
Pumalo na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.
Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 – 2021.
Nasa 400,000 hanggang 450,000 daw ang nag-transfer mula private papuntang public school.
Kapag isasama naman ang mga naka-enroll sa private school nasa 24.72 milyon lahat ang kabuuang bilang.
Halos 90 percent na ito sa total number ng enrollees sa public at private schools mula naman sa 27.5 milyon noong nakaraang school year 2019-2020.