-- Advertisements --
Walang plano si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, na magtalaga ng officer-in-charge (OIC) sa National Bureau of Investigation (NBI).
Kasunod ito sa pagbibitiw sa puwesto ni Director Jaime Santiago.
Ayon kay Remulla, na nakasaad sa sulat ni Santiago na mananatili ito sa puwesto hanggang mayroong mapipiling papalit na sa kaniya.
Bilang respeto aniya sa kaniyang hiling ay hindi muna ito magtatalaga ng OIC.
Paglilinaw nito na walang natatanggap na banta si Santiago kung saan sa mga susunod na araw ay mag-uusap sila.
Magugunitang noong nakarang linggo ay nagbitiw si Santiago sa puwesto dahil umano sa hindi na niya makayanan ang mga paninira sa kaniya.