-- Advertisements --

Binista ngayong umaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang East Avenue Medical Center upang ipabatid sa ating mga kababayan ang programa ng pamahalaan na zero billing.

Nais kasi matiyak ni Pangulong Marcos na ang nasabing programa ay naipapatupad ng lahat na mga DOH hospitals sa buong bansa.

Layon din ng pag iikot ng Pangulo sa mga hospital ay kung nauunawaan ng mga empleyado ng hospital ang nasabing programa.

Ayon sa Pangulo batay sa mga naging pag iikot niya sa mga hospital nasusunod naman ng mga ito ang zero billing program ng pamahalaan.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang dedikasyon ng mga medical at non medical personnel dahil sa kanilang kabayanihan sa pagbibigay serbisyo.

Ayon sa Pangulo, hindi aniya nagbabago ang sipag, giting at dedikayon ng mga doktor, nurse, medtech, staff at non medical personnel ng mga ospital.

Binigyang diin ng Pangulo na kung hindi sa tiyaga, sipag at dedikasyon ng mga healthcare workers, baka aniya wala na siya at nilamon na ng nakamamatay na covid 19.

Kaya naman sinabi ng Pangulo na marapat lamang talaga silang pasalamatan dahil sadyang malaki ang puso ng mga healthcare worker.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagbisita sa east avenue medical center ngayong araw para personal na saksihan ang implementasyon ng zero balance billing system.