-- Advertisements --

Nagiwan ng babala ang Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) sa publiko hinggil sa mga kumakalat na hindi otorisado at lehitimong mga grupong nanghihikayat maging bahagi ng kanilang hanay bilang mga force multiplier.

Sa isang pulong balitaan na naganap sa ismong tanggapan ng HPG sa Kampo Crame, inihayag ni HPG Spokesperson PLt. Dame Malang na mayroong grupong sa bahagi ng Antique kung saan ang grupong ito ay nangongolekta ng membership fee para maging kasapi ng umano’y force multiplier ng kanilang hanay.

Batay sa naging inisyal na imbestigasyon ng naturang yunit, napagalamang ang grupong ito ay matagal nang suspindido bagamat rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Batay naman sa natanggap na reklamo ng HPG, ang naturang grupo ay nangingikil ng halagang P350 para sa identification cards habang P750 naman ang para sa membership fee kapalit ng pagiging otorisadong force multiplier ng HPG sa Pilipinas.

Napagalaman namang ang naturang grupo ay mayroong mga nagiging operasyon at recruitment sa iba’t ibang bhagi ng bansa at tinatayang hindi bababa sa 500 na ang kasalukuyang miyembro nito partikular na mula sa CALABARZON at Cagayan Valley.

Samantala, nanawagan naman ang HPG sa publiko na kung may mga matatanggap at mapagalamang mga grupo na nagppatuloy sa kanilang mga rescruitment at mabuting ipagbigay alam ito sa kanilang tanggapan upang agad na maaksyunan at makasuhan ng mga kaukalang parusa ang mga indibidwal na ito.

Tiniyak naman ng HPG na kasalukuyan na silang nagsasagaw ng kanilang malalim na imbestigasyon at siniguro na gumagawa na sila ng mga sapat na hakbang para maparusahan ang mga personalidad sa likod nito.