-- Advertisements --

Gumaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahilan na on-track ang Marcos administration para makamit ang fiscal targets nito.

Ito ang binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph Recto sa budget briefing ng DBCC ngayong araw sa Kamara.

Ipinagmalaking inihayag  ni Recto sa budget briefing ng DBCC na lumalago ang revenue collection ng bansa na nagtala ng double digit sa nakalipas na tatlong  taon na may average na 13.8% annually.

Patuloy namang lumalawak ang tax collections ng pamahalaan na nasa average na 11.5% annually.

Giit ni Recto, nakamit ng gobyerno ang revenue collections na 16.7% nuong 2024 na siyang pinaka mataas sa nakalipas na 27 taon.

Dagdag pa ni Recto, mula 2025 hanggang 2028 tinatayang lalago sa 10.2% annually ang tax revenues ng gobyerno at inaasahan na sa pagtatapos ng termino ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. aabot ito sa P6 Trillion.

At  pagdating sa taong 2030, papalo sa kabuuang P7 trillion mark ang kabuuang revenues o kita ng gobyerno.

Iniuugnay ni Recto ang pagtaas sa revenue collection ng bansa ay dahil sa mga pinagtibay na repormang ipinatupad  gaya ng VAT sa Digital Services at Capital Markets Efficiency Promotion Act at ang nakatakdang pagpapatibay sa Rationalization of the Mining Fiscal Regime act at ang panukalang General tax Amnesty.

Minaximize din ng Department of Finance ang non-tax revenues  sa mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) sa pamamagitan ng pagtaas sa dividend remitances at sa pagsasa pribado sa mga idle government assets.