Murray Andy
Andy Murray/ FB post

Maluha-luhang tinanggap ni Andy Murray ang kaniyang tropeo matapos magkampeon sa European Finals.

Tinalo kasi ng British tennis star si Stan Wawrinka ng Spain sa score na 3-6, 6-4, 6-4.

Ito na ang unang title defense mula pa noong February 2017 matapos na dumanas ng injury.

Ayon 32-anyos na tennis great, mahalaga ang kanyang panalo dahil sa tagal nitong hindi gaanong nakapaglaro at ngayon lamang muli nakakuha ng titulo.

Aminado ito na labis ang siyang nahirapan kay Wawrinka.

Isang malaking regalo aniya ito dahil nakatakda ng lumabas ang ikaatlong anak nito sa mga susunod na linggo.