DAVAO CITY – Nahuli sa isinagawang drug buy bust operation ang isang municipal councilor sa bayan ng Kiblawan, Davao del Sur.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang otoridad na may nagsasagawa ng pot session sa Larayan 2000 Purok 3, Barangay.6-A, Bankerohan Public Market, Davao City dahilan kaya agad rumesponde ang pulisya sa lugar.

Nahuli ang mga suspek na sina Cipriano Ponce Sarona, 53, konsehal sa Kiblawan; Butch Eltagonde Amarillo, 38, isang driver, tubong Sto. Niño, Kiblawan; at Archie Napoles Truya, 31, mango harvester, taga-Purok 6A-1 Los Amigos, Tugbok District, Davao City.

Sinasabing aktong nahuli ng otoridad ang mga suspek sa loob ng tindahan na pagmamay-ari ng konsehal.

Narekober sa kanilang posisyon ang mga pakete ng iligal na droga, apan na mga improvised aluminum foil tooters; isang improvised aluminum foil folded funnel na may traces ng shabu at dalawang disposable lighters na may improvised aluminum foil needle na nakalagay.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang mga suspek pati na ang nakumpiskang non-drug items na gagamitin bilang ebidensiya sa isasampang kaso.