-- Advertisements --
Namahagi ng ayuda ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa 31 Pinoy repatriates na unang dumating dito sa Pilipinas kahapon, araw ng Martes.
Ang mga ito ay binubuo ng mga OFWs na mula sa bansang Israel, Jordan, Palestine, at Qatar .
Sila ang mga manggagawang Pilipino na apektado ng nagpapatuloy na tensyon sa gitnang silangan.
Personal na sinalubong ni DSWD Undersecretary for Operations Pinky Romualdez ang nasabing bilang ng mga Filipino repatriates.
Ang tulong na kanilang natanggap ay pauna pa lamang para sa kanilang pagbabalik bansa.
Magsasagawa namang muli ng masusing assessment upang matukoy ang mga kinakailangang karagdagang tulong para sa mga bumalik na OFWs.