-- Advertisements --

Nakapag-review ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 11,439 materyales noong Hulyo 2025.

Ito ay alinsunod sa mandato nito na itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang angkop na klasipikasyon sa lahat ng pelikula at programa sa telebisyon.

Kabilang dito ang 10,325 programa sa telebisyon, 758 TV plugs, 159 publicity materials, 144 movie trailers at 53 lokal at banyagang pelikula.

Dahil dito, umabot na sa 115,091 materyales ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB mula Enero hanggang Hulyo 2025.

Patuloy na tinitiyak ng MTRCB ang pakikipagtulungan nito sa industriya ng paglikha para maisulong ang responsableng panonood para sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na sa kabataan.