-- Advertisements --
Eksaktong dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pangunguna ni Chairperson Lala Sotto ang pag-review sa walong opisyal na pelikulang kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Karamihan sa mga pelikula ay nakatanggap ng G at PG rating, na nangangahulugang ligtas itong panoorin ng mga bata basta’t may kasamang magulang o nakakatanda, habang ang horror anthology na Shake, Rattle and Roll ay rated R-13.
Ayon kay Sotto, patunay ito ng dedikasyon ng MTRCB sa pagbibigay ng tamang klasipikasyon at suporta sa lokal na pelikula.
Hinimok din niya ang publiko na suportahan ang MMFF ngayong kapaskuhan bilang pagdiriwang ng pagkamalikhain at kahalagahan ng kuwentong Pilipino.













