-- Advertisements --
Inanunsyo ni Presidential SpokesmanHarry Roque na pinapayagan na ang pagbibiyahe ng mga motorsiklong may side-car sa mga national highway.
Ito ay para maibsan ang kalbaryo ng riding public dahil sa kabila nang balik trabaho na ay limitado lamang ang mass transportation.
Sinabi ni Sec. Roque, maari nang bumiyahe ang mga may side-car sa mga highway ngayong karamihan sa lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified (MGCQ).
Magugunitang una nang ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang paggamit ng mga side-car sa motor ngayong hindi pa rin pinapayagan ang pag-angkas sa motorsiklo para masunod ang social o physical distancing.