CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang motorista sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Ismael Akbar,37 anyos,may asawa at residente ng Brgy Bagua 2 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Rosary Height 6 ng lungsod na itoy dikitan ng riding in tandem suspect at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa syudad.

Naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan si Akbar ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaslang sa biktima.