Dagupan City- Patay ang isang motorista sa karambola ng 3 sasakyan sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Romeliano Magpale, truck driver at residente ng barangay San Nicolas sa bayan ng Villasis.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, sakay ng motorsiklo at pauwi na umano sa kanilang bahay ang biktima nang ito ay maaksidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Don Tiofilo Sison Bridge nang siya ay nagovertake sa isang kotse pero imbes na ito ay lumagpas ay natamaan nito ang likurang bahagi ng sasakyan.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at napunta sa kabilang lane kung saan nabangga naman siya ng kasalubong na SUV bago ito bumagsak sa kalsada.

Nagtamo ng matinding sugat sa iba-t ibang bahagi ng katawan ng biktima na sanhi ng agaran niyang pagkamatay.