DAGUPAN CITY – Patay ang isang motorista matapos masagasaan ng bus sa Barangay Maninding sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Ronel delos Reyes, 19, isang bartender at residente ng Barangay Marunong sa nasabing bayan.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang masagasaan ng kasalubong na bus.

Ayon sa pulisya, tatlong sasakyan ang tinangkang lampasan ng drayber ng bus na si Ronald dela Cruz.

Pinaniniwalaang mabilis ang patakbo ng dalawang sasakyan.

Samantala, desidido ang kaanak ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here