Isla Sibato
Isla Sibato/ FB image

ILOILO CITY – Nailigtas ang anim na sakay kabilang na ang may-ari matapos lumubog ang isang motorbanca sa Sibato Island, Caluya, Antique.

Ayon kay Police Corporal Noemi Bayalo, hepe ng Caluya Municipal Police Station, galing sa Panagatan 2 islet na sakop ng bayan ng Caluya ang MB Eliza ng mangyari ang insidente.

Inihayag ni Bayalo na ang MB Eliza ay may kargang 500 sako ng dried seaweeds at lumubog dahil sa malakas na ulan at pabugso-bugsong hangin.

Bumangga sa bato ang motorbanca dahilan upang mabutas ang hull nito.

Kaagad na rumesponde ang Philippine Coast Guard at dinala sa Sibato island ang anim na tripulante upang lapatan ng first aide.

Nahila na rin ng Philippine Coast Guard vessel ang lumubog na motorbanca.