Sinimulan na ng Moscow ang pagpapaluwag ng kanilang lockdown.

Binuksan na ang mga parke at shopping centers sa capital Russia kung saan pinapayagan din ang mga estudyante ng magsagawa ng limitadong ehersisyo.

Noong nakaraang linggo kasi ay inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapaluwag ng kanilang lockdown sa Moscow dahil nalampasan na umano ang peak ng outbreak.

Pumalo na kasi sa 414,878 ang kaso ng coronavirus sa nasabing bansa kung saan mayroong 48,55 ang kabuuang nasawi sa Russia.