Naitala ng Moscow, Russia ang pinakamataas na kaso ng pagkakamatay sa loob lamang ng isang araw.

Mayroon kasing 1,561 ang namatay matapos dapuan ng nasabing coronavirus na mas doble noong April.

Itinuturo ng gobyerno na ang pinaigting nilang mass testing ay siyang responsable sa mababang mortality rate.

Pagpapaliwanag naman ng health department ng Moscow na kaya binago nila ang nasabing bilang ay dahil sa isinagawang post-mortem examinations.

Sinasabing may mga 756 na namatay noong Abril dahil sa ibang sakit ay napatunayang coronavirus pala ang sanhi ng kamatayan nila.