-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Morocco matapos na sa unang pagkakataon ay nakapasok na sila sa quarterfinals ng FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.

Tinalo kasi ng ranked 22 ang ranked 7 na Spain sa round of 16 na ginanap sa Education City stadium 3-0 sa pamamagitan ng penalty shoutout.

Matapos kasi ang 90 minuto at extra time ay kapwa walang naitalang puntos ang dalawang koponan.

Bilang bahagi ng panuntunan ay kailangan magkaroon ng tig-apat na penalty kung saan nauna ang Morocco matapos magwagi sa coin toss.

Naharang ng goal keeper ng Morocco ang penalty shotout ng Spain at tuluyan na ilang nakapasok sa quarterfinals.

Nasa unang puwesto ang Morocco sa Group F kung saan nagtapos sa 0-0 ang laban nila sa Croatia, panalo naman sila sa Belgium 2-0 at tinalo din nila ang Canada 2-1.