-- Advertisements --

Kasalukuyang hindi magamit ang ilang transmission lines matapos hagupitin ng bagyong Emong na lumabas na sa Philippine Area of Responsibiliy (PAR) kaninang umaga, Hulyo 26.

Base sa datos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi available ang transmission lines sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Bauang – San Fernando 115kV Line simula ala una kwarentay uno ng umaga kahapon, Hulyo 25 na nakaapekto sa mga konsyumer ng La Union Electric Company, Inc.

Gayundin ang Bacnotan-Bulala 69kV Line, na hindi available simula alas-2:35 ng umaga kahapon na nakaapekto naman sa mga konsyumer sa La Union Electric Cooperative, Inc.

Pinakilos naman na ng grid operator ang line crews nito at kasalukuyang nagsasagawa na ng pagpapatroliya para masuri ang epekto ng bagyo sa transmission lines.

Nagpapatuloy din ang pagpapanumbalik sa suplay ng kuryente sa natitirang apektadong transmission lines.