Kanselado pa rin ang mga klase sa ilang lugar sa Pilipinas dahil sa epekto ng mga bagyong Dante at Emong at ng hanging habagat.
Sa Ilocos Region, suspendido ang klase sa buong lalawigan ng Pangasinan sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ilan kasi sa bayan sa lalawigan partikular sa Umingan, Malasique, Mapandan, Dagupan City, Calasiao, Lingayen, Malasiqui, Mangatarem, at Sta. Barbara ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa mga matinding mga pagbaha na tumama sa naturang mga lugar na nagresulta sa pagka-displace ng mga residente.
Sa National Capital Region naman, nagdeklara na ng suspensiyon ng klase sa siyudad ng Malabon at Navotas sa lahat ng antas sa public at private schools.
Sa Calabarzon naman, kinansela na ang klase bukas sa Silang at General Trias City sa lalawigan ng Cavite sa lahat ng antas sa public at private schools. Gayundin nagdeklara ng class suspension ang Antipolo City sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan.
Sa Mimaropa region naman, walang klase sa Occidental Mindoro sa lahat ng lebel sa public at private schools.