Nagtayo ng modular tents ang pamahalaang lokal ng Quezon City na matatagpuan sa covered court ng Quezon City Memorial Circle.

Ang nasabing tents ay gagawing quarantine area para sa mga residente ng siyuda na itinuring na Person Under Investogation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) sa COVID-19 cases.

Mismong si Mayor Joy Belmonte, ang nag utos para itayo ang mga nasabing tents.

Ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang 1502nd Army Ready Reserve Brigade ang nagtulong-tulong para itayo ang mga modular tents.

Ang nasabing facility ay mamandohan ng mga doktor at healthcare workers mula Quezon City Health Department.