-- Advertisements --

Posibleng magpatupad na ng modified enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila kapag naisailalim na ng mga local government units (LGUs) sa mass testing ang kanilang nasasakupan hanggang May 15.

Sinabi ni National Task Force on COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, ipinatutupad na ang mass testing sa buong national capital region (NCR) kasama ang mga overseas filipino workers (OFWs) na naka-quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Sec. Galvez, sa sandaling ma-identify na ang mga possible carriers ng COVID-19 at ma-isolate na ang mga ito ay magsasagawa ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte para magpatupad ng selective ECQ sa Metro Manila at maisailalim sa general community quarantine (GCQ) ang mga lugar na kontrolado na ang pagkalat ng COVID-19.

Nakasentro ngayon ang National Task Force on COVID-19 sa pagpapatupad ng tracing, testing at treatment sa mga suspected COVID-19 positive.