-- Advertisements --

Idadaan na sa science based facts ang pag apruba sa mga flood control projects.

Ibig sabihin sasailalim na sa masusing pagsusuri ang mga proyekto.

Ito ang tiniyak ni House Appropriations panel chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing sa budget briefing ng ahensiya ngayong araw.

Naglatag si Suansing ng mga parameters na siyang magsisilbing gabay sa pag apruba sa mga flood control projects.

Binigyang diin ni Suansing dapat may malinaw na feasibility study at naka base ito sa science and facts ang pag apruba sa proyekto.

Isinusulong ni Suansing na ang magiging basehan sa pagtukoy sa mga proyekto ay ang project Noah bilang pangunahing determinant para matukoy lugar na nakalagay sa red zones.

Hinikayat din ni Suansing ang mga kapwa mambabatas na tutukan ang mga ipatutupad na reporma sa DPWH upang masiguro ang accountability at responsiveness ng sa gayon mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa anomalya.

Dapat magkaroon din ng sistema sa ahensiya para hindi na maulit ang mga ganitong insidente.

Tatalakayin sa budget briefing kung paano ayusin ang pondo ng DPWH sa 2026 NEP upang masiguro na ang mga proyekto ay talagang mapapakinabangan talaga ng taongbayan.