Payag si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na bawasan ang panukalang budget ng ahensiya na nasa P881.3 billion sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).
Partikular na nais tanggalin ang mga proyektong maituturing na red flags, ibig sabihin mga proyektong kwestiyunable.
Hiniling naman ni Dizon sa panel na bigyan sila ng isang linggo para rebyuhin ang panukalang budget ng DPWH.
Binigyang-diin ni Dizon ang mga proyektong nakumpleto na ay hindi na dapat pondohan.
Pagtiyak ni Dizon sa house panel kanilang buburahin ang lahat ng mga na “red flags” na proyekto.
Bukas naman si Dizon sa pag realign sa kanilang pondo.
Una ng inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Dizon na baguhin ang 2026 budget ng ahensiya lalo at may nakitang maanomalyang proyekto.
Kinilala naman ni Dizon ang pangamba ng mga kongresista matapos nilang masilip na may mga kwestiyunableng proyekto ang nakapaloob sa 2026 NEP ng ahensiya.