-- Advertisements --

Pinukaw ni Senator Erwin Tulfo ang atensyon ng Philippine National Police (PNP) at maging ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y hindi pagkilos at pagtugon nito sa paghingi ng tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagpapasara ng mga operasyon ng mga online sabong sa bansa.

Sa isang pahayag, iginiit ng senador na sa dami ng mga may dalang panabong na manok at maging mga livestream na nagkalat sa social media platforms ay imposibleng hindi lam at walang alam ang pulisya kung saan isasagawa ng mga operasyon upang mapigilan ang pag-operate ng mga e-sabong.

Kasunod nito ay nagbigay pa ng tip si Tulfo kung saan itinuro niya na isang operator ang nagpapatakbo ng e-sabong sa Gitnang Luzon habang isa naman ang nagooperate sa CALABARZON ngunit ang may-ari ng parehong operasyon ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa kabila nito ay kumpiyansa naman si Tulfo na tutugon at mapagtutuunan ng pansin ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at maging ni NBI Officer-In-Charge Usec. Jesse Andres ang pagpapatigil sa operasyon ng mga e-sabong at ng mismong illegal gambling dahil naniniwala aniya ang senador na ang dalawang lider ay mga mabubuti tagasunod at tagapagpatupag ng batas.

Samantala, bagamat naniniwala si Tulfo na tutugon ang PNP at NBI sa panawagan na ito ay nakikita niya pa ring malaking problema kung ang mga operasyon ng illegal gambling na ito ay mayroong basbas ng pulis at iba pang opisyal ng gobyerno.