Nakatakdang bumisita sa Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Louise Araneta-Marcos mula Setyembre 7 hanggang 9.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing state visit ay dahil na rin sa pagbisita ni His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni ang hari ng Cambodia.
Sila ay sasalubungin nina Acting Head of State and Senate President Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen at asawa nitong si Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen.
Magsasgawa rin si Pangulong Marcos ng bilateral meeting kay Cambodian Prime Minister Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen.
Inaasahan na tatalakayin nila ang pangunahing sektor gaya ng agrikultura, higher education, turismo, cultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Magkakaroon ito ng roundtable meetings sa mga business leaders mula Cambodia at Pilipinas.
Makakaharap nito ang mga Filipino community ng Cambodia kung saan tinatayang nasa 7,000 mga Filipinos ang naninirahan at nagtatrabaho doon.
Dagdag pa ng DFA na ang nasabing pagbisita ni Marcos ay bilang pagbabalik imbitasyon ni Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet na bumisita sa Pilipinas noong Pebrero 2025.