Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special (non-working) holidays para sa taong 2026.
Sa bisa ng Proclamation No. 1006 na nilagdaan ngayong Setyembre 3, 2025, kasama sa mga regular holidays ang:
– New Year’s Day sa Enero 1
– Araw ng Kagitingan sa Abril 9
– Maundy Thursday sa Abril 2
– Good Friday sa Abril 3
– Labor Day sa Mayo 1
– Independence Day sa Hunyo 12
– National Heroes Day sa Agosto 31
– Bonifacio Day sa Nobyembre 30
– Christmas Day sa Disyembre 25
– at Rizal Day sa Disyembre 30.
Kasama naman sa mga special (non-working) holidays ang:
– Ninoy Aquino Day sa Agosto 21
– All Saints’ Day sa Nobyembre 1
– Feast of the Immaculate – Conception sa Disyembre 8
at huling araw ng taon sa Disyembre 31.
Idinagdag rin sa special non-working holidays ang:
– Chinese New Year sa Pebrero 17
– Black Saturday sa Abril 4
– All Souls’ Day sa Nobyembre 2
– at Christmas Eve sa Disyembre 24.
Samantala, idineklara namang special working day ang EDSA People Power Revolution Anniversary sa Pebrero 25.
Magkakaroon naman ng hiwalay na abiso para sa eksaktong petsa ng mga Islamic holiday na Eid’l Fitr at Eid’l Adha batay sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
Ayon sa Palasyon ang Department of Labor and Employment ang maglalabas ng implementing guidelines kaugnay sa holiday schedule na ito.