-- Advertisements --

Unang lumantad sa publiko sina Baron Geisler at ang anak niyang si Sophia Asistio bilang mag-ama sa isang fashion event noong Setyembre 2 sa Pasay City.

Magkasama silang dumalo bilang “date” ng isa’t isa sa naturang event. Suot ni Geisler ang isang simpleng barong, habang nakasuot si Asistio ng Filipiniana na hiniram mula sa kanyang ina, ang aktres na si Nadia Montenegro.

Ibinahagi ni Geisler na proud siya sa kanyang anak at masayang sila’y magkasama sa ganitong okasyon. Sinabi rin niyang bukas siya sa pagdalo sa iba pang events kasama si Sophia.

Ayon sa kanya, maayos din ang kanilang co-parenting setup ni Montenegro.

Samantala, sinabi naman ni Asistio na napaka-fulfilling ng kanilang muling pagkakaayos bilang pamilya.

Maaalalang kinumpirma ni Montenegro noong Hulyo 2024 na si Sophia ay anak niya kay Geisler. Muling nagkita at nagkaayos ang mag-ama noong Disyembre ng parehong taon.