Sumalat ng isang liham si Senate Minority Leader Tito Sotto kay Senate President Francis “Chiz” Escudero upang isulong ang pagpapatuloy ng random drug testing sa senado.
Ito ay matapos ang naging insidente ng hindi umano’y paghithit ng marijuana ng isa sa mga staff ni Sen. Robin Padilla na si Nadia Montenegro sa palikuran.
Nakasaad sa liham na noong taong 2018 ay nagsagawa na ng isang mandatory drug testing ang senado nang naaayon sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002 at Civil Service Commission Resolution no. 1700653 na naguutos na magpatupad ng isang mandatory drug test sa mga opisyal at empleyado nito.
Ayon pa sa liham ni Sotto, ang pagsailalim ng mga opisyal at empleyado sa drug test ang magpapatunay at magpapanatili ng moral, integridad at ang responsiveness ng senado sa pagsagot sa mga isyu.
Samantala, inaasahan naman ng senador na maliban sa pagpapanatili ng integridad ng senado ay makakatulong rin ang drug test para mapanatiling drug-free workplace ang kanilang mga tanggapan.